Sa aking buhay bilang isang estudyante sa elementarya, isa sa aking mga paboritong pelikula ang High School Musical. Naaalala ko pa na nasa ikalimang baitang ako noong paglabas ng pelikula. Naging napakasikat ng HSM na itinanghal namin ang ilang mga kanta para sa aming araw ng mga guro. Mula sa pasukan sa Hunyo, hanggang sa pagkatapos ng klase sa Marso, hindi nawawala ang paggamit ng HSM sa aming mga gawain. Sa paglipas ng panahon, lalong lumapit sa puso ko ang pelikulang ito, at ang mga sumusunod na pelikula. Isa siyang bahagi ng aking pagkabata at paglaki dahil ang mga pelikula ng High School Musical ay nagbigay ng isang tanaw sa mataas na paaralan.
Tinataglay ng pelikulang ito ang kamalayan ng lipunan noong pagkabata ko dahil nakikita ang paraan ng pag-iisip ng kabataan ng panahong iyon. Sa simula ng pelikula, nakilala ni Troy si Gabriella sa isang handaan para sa Bagong Taon. Nagkataon din na napili silang dalawa na kumanta ng karaoke ng “Start of Something New.” Hindi nila maaakala na pagbalik nila sa paaralan, magiging kaklase sila dahil lumipat ng bahay si Gabriella. Ipinapakita ng eksenang ito ang paniniwala ng konseptong ‘love at first sight,’ o pagmamahal sa unang tanaw. Kung babalik tayo sa mga napag-aralang mga nobela, ang kwento ni Romeo at Juliet ay nagsasalaysay mismo sa pagmamahal mula sa unang tanaw. Sa unang eksena ng HSM, nakikita rin ang konsepto ng kapalaran — ang kapalaran ni Gabriella ay makilala si Troy sa handaan, at lumipat sa kanyang eskwela. Kung ikukumpara ang dalawang teksto, maitutulad din ang paraan ng pakikipagkilala nina Romeo at Juliet at nina Troy at Gabriella, dahil pareho silang nagkita sa isang handaan! Matagal nang natatagpuan sa panitikan ang konsepto ng kapalaran, at ang paggamit nito sa pelikula ay nagpapakita sa kapaniwalaan nito ng mga tao.
Ikinakatawan ng lahat ng mga tauhan ang kaisipan ng lipunan na dapat mahiya ka kung may mayroon kang ‘di karaniwang talento, kagaya ng kumakantang atleta. Higit na makikita ito sa tauhan ni Troy Bolton, dahil inaasahan sa kanya ang maglaro ng basketbol nang mabuti. Nang malaman ng iba ang talento ni Troy sa pagkanta, may mga taong sumunod sa kanya at ipinakita ang kani-kanilang mga talentong lihim. Nakikita rin dito ang paghusga ng mga taong hindi sumusunod sa ‘status quo.’ Ito ay ang tawag sa katangian ng lipunan na dinidiin ang kahalagahan ng pananatili sa sariling lugar ng lipunan. Sa karaniwang konteksto, nakikita ito sa pang-aapi, o bullying, ng mga estudyante. Minsan, naaapi ang mga estudyanteng dumadaig sa kanilang karunungan, dahil hindi ito normal ayon sa ‘status quo‘ ng mga ‘karaniwang estudyante.’ Ang kabaliktaran nito ay nakikita rin sa sitwasyon ng mga mang-aapi: dahil hindi sila itinuturing mabuting mag-aaral, inilalabas nila ang galit nila sa mga estudyanteng magaling mag-aral.
Dinaranas ni Gabriella ang problemang pagpipili ng kanyang dalawang gawain: maglahok sa kanyang ‘quiz bee‘ o kumanta kasama ni Troy. Nakikita rito ang pagiging laya ng mga estudyante para pumili sa kanilang mga gawain sa labas ng klase. Hindi lamang puro aral ang maging estudyante. Sa ating panahon, mas maraming pagkakataon ang mga estudyante para mag-aral ng mga bagay kung saan interesado sila. Nabibilang rin ito sa ating uri ng pagbubukas ng kaalaman, at naitutulong din ito sa pagbuo ng katauhan. Nasasama rin dito ang konsepto ng pagiging laya mula sa direksyon ng mga magulang tungkol sa mga gawain ng klase. Itinutukoy ng dalawang konseptong ito ang pagiging nagsasarili ng estudyante, para makahanda siya sa pagtanda.
Sa paglabas ng pelikulang High School Musical, naipakita niya ang kalagayan ng ating lipunan sa panahong iyon. Hindi lang sa pasukan inaaral natin ang kasaysayan, makapapasok rin tayo sa kasaysayan mula sa mga iba’t ibang uri ng teksto. Sa HSM, makikita natin ang pagpapaniwala sa kapalaran ng tao mula sa pagkakilala nina Troy at Gabriella. Maiintindihin natin ang problema ng mga bata para maging katulad ng ibang tao sa kantang “Stick to the Status Quo.” Malalaman natin ang pagiging laya ng mga estudyante sa pagpipili ng anumang gusto nilang gawin para mas maitutulong nila ang sarili nila para mag-aral. Kahit walang pasok ang mga estudyante, hindi iyon ibig sabihin na walang mapapasukang kasaysayan sila sa panonood ng sine o telebisyon. Ang ating mga teksto ay nagsisilbing pinto para malaman natin ang mga pinagdaanan natin, at dito lang tayo makaaral nang totoong kasaysayan.